"Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente.



''NANGANAK LANG NAMATAY NA... RIP Janna
"Anong Ginawa Ng Ospital Sa Kapatid Ko?" Manganganak Lang Sana Ang Kanyang Kapatid Pero Hindi Matanggap Ng Pamilya Ang Ginawa Ng Mga Doktor Sa Pasyente.

Sa buhay, natural lang na makatagpo ng taong para sa'yo. Hindi naman maiiwasan 'yan. Kaya nung sinabi niya na may boyfriend siya, ayos lang sa'min. Bumyahe pa sila mula probinsya (dun siya nag-aaral ng college) hanggang dito sa'min para lang makilala namin ng husto 'yung boyfriend niya. Ayos naman, ok na ok. Kasi nakikita naman namin kung gaano siya kamahal ng boyfriend niya. At alam at ramdam namin na hindi siya sasaktan at pababayaan ng boyfriend niya. Atleast, hindi naman naging hadlang ang pag bo-boyfriend para mapabayaan 'yung pag-aaral niya, ni hindi nga bumaba 'yung grades niya. Ganyan 'yan, kaya niya pagsabayin ang school life at lovelife.

Pero dumating 'yung araw na nabuntis siya. Nagtanong kami, bakit? Bakit di kayo nag-ingat? Pero imbis na magalit kami, mas nangibabaw 'yung pang hihinayang. Siyempre kasi nag-aaral siya, pano na yung mga pangarap niya? Nangako siya na kapag nakapanganak siya babalik ulit siya sa pag aaral, tutuparin niya yung mga pangarap niya. Humingi siya ng sorry, humingi sila ng sorry. Pero nandyan na 'yan, ang kaylangan nalang namin gawin ay mas ingatan at alagaan siya.


6 months nung nalaman namin na may sakit 'yung baby sa tiyan niya. Merong HYDROPS 'yung baby, 'yun yung mga baby na lumalaki 'yung tiyan sa sinapupunan. Alam namin delikado 'yun, kaya nung nagsabi 'yung OB na ipa-CS agad namin kapag nag 7months, lumayag kami. Sinabi nung doctor na, OO may heartbeat pa 'yung bata pero mahina na. OO may heartbeat pa 'yung bata kasi nasa sinapupunan niya pa. Pero oras na mailabas 'yung bata, segundo lang ang itatagal tapos wala na.
Para sa'min, masakit 'yung nalaman namin. Pano pa kaya 'yung nararamdaman ni Jannah? Edi MAS masakit, baby niya 'yan e. First baby pa. Pero hindi siya nag pa-apekto. Pinapakita niya sa'min na ok lang, tanggap niya 'yung mangyayari. Pero alam namin na hindi, ang tanging magagawa lang namin ay suportahan, alagaan, at ingatan siya.
August 3 nung dinugo siya. Madaling araw 'yun. Naalala ko pa, ginising niya ako "Ate. Damit" bumangon ako para ipag handa siya ng damit kasi dadalhin siya sa ospital. Tinanong ko pa siya kung ayos lang siya, masakit ba? Pero ang sabi niya hindi, ayos lang. Kita ko naman, malakas siya, yung kilos niya normal lang na alam mong hindi talaga siya nasasaktan. Nakapaglakad pa nga siya pataas dito sa'min para makapunta sa kalsada kung nasan 'yung ambulansya. Edi malakas nga, nakapag lalakad e. Tinignan ko pa siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Di ako kinabahan, kasi alam ko malakas siya. Matapang siya.
Dinala siya sa Amang Rodriguez sa marikina. Sinabi agad nila mama 'yung sitwasyon, na kaylangan na i-CS kasi delikado yung lagay niya. Gusto talaga namin ipa-CS para hindi na siya madamay, para d na maapektuhan 'yung katawan niya. Pero anong sinagot nung doctor? "Bakit ic-CS kung kaya naman i-normal?" sinabi din nila mama na suhi 'yung bata, hindi kakayanin ni Jannah na i-normal 'yun. Pinilit nila mama na i-CS na, pero pinilit din nung doctor na wag i-CS, d daw sila nag c-CS ng di dapat. Kaya daw 'yun i-normal. Siyempre, bilang magulang nag tiwala sila mama, nag tiwala kami. Doctor 'yan e. Alam niya yung mas makabubuti. Naniwala kami sa sinabi ng doctor.

August 5 nung nag paabot ng sulat si Jannah. (Mula kasi nung na-admit siya, di na namin siya nakita. Bawal daw. Tatawagin lang kami kung may ipapa bili. Kami, nag hihintay lang ng tawag dun kami sa labas ng emergency.) Sumulat siya, siyempre bilang kapatid kinabahan ako, nag alala. Kaya kinausap nila mama kasama yung mama ng boyfriend ni Jannah, yung doctor. Sinabi yung tungkol sa sulat. Nakiusap sila mama na baka kung pwede makita at makausap si Jannah. Pumayag yung doctor pero saglit lang. Nung nakita nila mama, ayos naman si Jannah, mas gumaganda pa nga daw yung kulay. Kasi kung nakita nila na hindi ayos at iba na itsura ni Jannah, talagang ilalabas na nila at ililipat sa iba. Sinabi nung doctor na baka nabo-bored lang kaya nakapag sulat ng ganun
August 8 ng umaga, nakita ni Mac (Boyfriend ni Jannah) 'yung pangalan ni Jannah na nasa hallway na. Narinig niya pa daw na parang umiiyak si Jannah, "Aray.. Mama, ang sakit.." hindi niya nakita na si Jannah 'yun pero alam niyang boses ni Jannah 'yun. Nagtaka kami, nagtaka sila mama. Akala ba namin si Jannah 'yung mas tinututukan dun dahil sa kondisyon niya?
Pero bakit nasa hallway nalang siya? Kinausap ulit nila mama yung doctor. Bakit ganun, sinabi nung doctor na kasi waiting na siya, nag le-labor na. Nakiusap sila mama na baka kung pwede makita at makausap ulit si Jannah, hindi sila pumayag. Ayaw nila ipakita si Jannah. Nag pasya sila Mama na i-pull out na si Jannah sa ospital na 'yon, nagle-labor na pala bakit d pa asikasuhin ng doctor? Alam nila, sinabi naman namin yung kondisyon ni Jannah, na delikado 'yun pero hinahayaan nila.
Nag hanap sila mama ng pera para kung mailabas man si Jannah, ipapa-CS na agad nila sa iba.


Pero, August 9, alas dose ng madaling araw. Nanganak na daw si Jannah. Ipinatawag daw 'yung boyfriend niya tas may inabot na box, sinabi na 'yun daw 'yung baby.
Nag taka kami, bakit hindi manlang nagtawag at nag sabi na manganganak na si Jannah? Bakit saka lang nila sinabi nung nanganak na? Bakit basta nalang nila inabot 'yung baby? At mas nakapag tataka, nakita namin sa papel na August 8, 10:51pm pa nanganak si Jannah pero alas dose na ng madaling araw sinabi samin.
Akala namin ok na, akala namin nag papahinga at nag papagaling nalanv siya. Kinamusta nila mama si Jannah sa doctor, sinabi na ayos lang, nagpapahinga, natutulog. Pero ayaw pa din ipakita sa'min.
Tas nalaman namin na nilagyan siya ng tubo sa bibig, kasi daw habang natutulog si Jannah bigla daw siya nag zero BP at delikado daw 'yun. Nagtaka kami, bakit wala manlang pinapirmahan kila mama? Oo alam naming para sa ikabubuti ni Jannah 'yon pero bakit wala manlang pinapirmahan? Kapag ba may nangyaring masama kay jannah habang inilalagay 'yung tubo na 'yun, may magagawa ba sila? Sagot ba nila?
Nung magising daw si Jannah, bigla daw hinugot ni Jannah yung tubo sa bibig niya. Kinabahan na kami lalo, nakiusap ulit si mama na baka kung pwede makita at makausap na si Jannah. Pumayag yung doctor. Tas nung nakita ni Mama si Jannah, bakit ganun?
Mapapamura ka nalang talaga, dinala namin na napakalakas, napaka ayos ng itsura tas ipapakita sa'min ganun na? Sobrang nang hihina, sobrang dilaw ng buong katawan at mata, at sobrang nag manas 'yung buong katawan at mukha niya. Bakkt ganun? Nanganak lang 'yan, ah. Pero bakit ganyan? Anong ginawa nila?! ANONG GINAWA NIYO SA KAPATID KO?!
Bakit ganun itsura niya? Ang ayos-ayos, ang lakas-lakas nung dinala namin tas ganun nila ipapakita? Sobrang dilaw niya, pati mata niya. Sobtang manas ng katawan at mukha niya, nakalabas pa yung dila niya. At sobrang laki nung tiyan niya na parang hindi siya nanganak.
Nagpasya ako na umuwi muna para asikasuhin yung kapatid kong bunso, bago ako umalis kinausap ko ulit si Jannah, bumulong ako "Dapat pag balik ko OK ka na ha,ayos ka na.."
Pero pagkauwi ko, tumawag si Tita kay Mama, si Jannah daw nag zero BP na naman. Tas 'yung heartbeat niya pababa na ng pababa. Nakatulala nalang daw si Jannah, hindi na gumagalaw, lupaypay na. Tas tumawag ulit.. Si Jannah nire-revive na ng mga doctor kasi wala ng heartbeat.
Sa isip ko, kinakausap ko si Jannah, lumaban siya. Parang awa niya na.
Pero kahit anong laban niya, katawan niya na yata 'yung bumigay.


August 12,2017 9:31 pm, nawala sa'min yung taong sobrang halaga, taong sobrang bait, taong sobrang mapag mahal. Binawian siya ng buhay sa isang masakit na paraan.
Iisa lang ang tanong namin.
AMANG RODRIGUEZ, ANONG GINAWA NIYO KAY JANNAH?!!
Ang sakit. Napaka-sakit. Dinala namin sa ospital na nakakatayo pa, nakakalakad pa, nakakausap pa. Tas ibinalik nila nang naka higa na? Nakapikit. At hindi na namin nakakausap? Tangina, hanggang ngayon blanco padin kami, hangganh ngayon naghahanap pa din kami ng sagot.
Tinatanong namin kung anong nangyari, vakjt nagkaganun? Nanganak lang 'yan, sinabi nila na kaya nilang i-normal, nakaya nga pero bakit ganito?
Alam namin na may heartbeat pa yung bata sa tiyan niya nung dalhin namin siya sa ospital kasi pinacheckup pa namin siya nun, kapag tinatanong namin kayo kamusta si jannah sinasabi niyo ayos lang. 'yan ba yung ayos sa inyo? Tas sasabihin niyo patay na talaga yung bata sa tiyan niya?
Ano? Sapilitan niyo ba siyang pinaanak nung nalaman niyo na wala ng heartbeat yung bata? Pinatulog niyo ba si Jannah ng sapilitan tas saka niyo dinukot 'yung bata sa tiyan niya?
Hustisya para sa pagkawala niya. Hustisya para sa mga pangarap niya. Hustisya sa pag hihirap niya. Hustisya para sa baby niya. Hustisya para ikatatahimik niya. Hustisya para kay Jannah Dimacali
Please, paki-kalat po. Alam ko makakatulong ito, lalo na para malaman ng marami na totoo pala, TOTOONG KILLER HOSPITAL YUNG Amang Rodriguez.



Comments

Popular posts from this blog

Paano Makipagtalik ng Hindi Nabubuntis?

10 Hair Rules You're Probably Breaking.